Isang pangkaraniwang araw
Araw ng nakasanayang tayo't magkasama
May oras na masaya
May oras na tila wala lang
Ito nga ang isang pangkaraniwang Araw
Walang na walang ipinagkaiba
Sa mga araw na may tampuhan at away
Nagsimula sa pangkaraniwag Araw
Araw na walang lambingan
Araw na pagod
At araw na sa pagkakaalam ko'y walang pagmamahal
Araw nga ito...
Maraming bagay ang sa tingin ko'y hindi naisakatuparan
Ramdam ko ang sitwasyon..
Ngunit bakit ba ganito??
Pilit ko mang ayusin
Malabo...
Wala na...Nasira na..
Masaya pa ring naaalala ka
Masaya dahil andyan ka
Malungkot sa nangyari
At lalong mahirap sa pakiramdam
Hindi na ito tulad ng dati
Tulad ng dating madali kong naaayos
Kailan ka babalik?
Matuttugunan bang muli akong intindihin?
o, darating sa puntong...
Ang ating Araw ay magiging walang kwenta
at isang pangkaraniwang Araw na lamang...??? :'(






Google
Facebook
Twitter
Myspace
Linkedin
Yahoo
Digg
Del.icoi.us
Windows Live
Furl
Blogger
Technorati