Hindi lahat ng umaga laging umaaraw
Minsan sa ulan ay umaapaw
Pero kahit anung panahon pa
Ikaw lang, araw ko’y maganda na
Ikaw ang kumukumpleto sa bawat araw ko
Sa ngiti mo lamang ang saya saya ko
Paano pa kaya kung ako’y yakap mo
At sabihing,”andito lang ako para’yo”
Sa Panaginip lang ba matutupad
Ang yakap mo na aking hangad
Dahil sa yakap mo,alam ko
Ako lamang dyan sa puso mo
Araw sana ay dumating,na ako’y yakapin
At hindi panaginip ang damhin
Kung ito’y andyan,nasa langit na ako
Dahil sa ako ay yakap-yakap mo






Google
Facebook
Twitter
Myspace
Linkedin
Yahoo
Digg
Del.icoi.us
Windows Live
Furl
Blogger
Technorati