Whiz Factory

  • Increase font size
  • Default font size
  • Decrease font size
Home Literary Pieces Poems MAHAL NA MAHAL KA NG PUSO KONG ITO

MAHAL NA MAHAL KA NG PUSO KONG ITO

E-mail Print PDF

Hindi ko man masabi na ika’y mahal na mahal ko

Sa puso’y ko’y ikaw lamang,hindi magbabago

Sa bawat oras,minuto, segundong lumilipas

Pag-ibig para sa iyo’y hindi kumukupas

 

Hinahanap ng puso Pag hindi nakikita

Pero pag andyan na,ang lakas ng kaba

Isa ng kayamanan,Sa sandaling masilayan

Kung hindi’y isang kalungkutan

Hindi pinilit na ikaw ay mahalin

Ito’y kusang nadama ng aking damdamin

Hindi naghahanap ng iba

Pagkat ikaw lamang ang sinisinta

 

Walang ibang minahal ng kagaya ng sa’yo

Hindi yan biro,hindi panloloko

Yan ay Tapat, yan ay sigurado

Mahal na mahal ka ng  Puso kong ito

Last Updated on Monday, 09 November 2009 14:58  

Add comment


Security code
Refresh

Smart Bookmarker